Tinapay ng Buhay ================ w: Manoling V. Francisco,SJ, Junjun Borres, SJ, & Getty Atienza m: Manoling V. Francisco,SJ, 2002 Filipino Hymn [Chorus] Ikaw, Hesus, and tinapay ng buhay, Binasbasan, hinati't inialay. Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob at pagsasalong walang hanggan. [Verse 1] Basbasan ang buhay naming handog Nawa'y matulad sa pag-aalay mo. Buhay na laan nang lubos, sa mundong sa pag-ibig ay kapos. [Chorus] [Verse 2] Marapatin sa kapwa maging tinapay, Kagalakan sa nalulumbay, Katarungan sa naaapi, at kanlungan ng bayan mong sawi. [Chorus] [Coda] At pagsasalong walang hanggan.