Stella Maris (Star of the Sea) ============================== w: Silvino Sorres m: Manoling V. Francisco, 2002 Filipino Hymn [Verse 1] Kung itong aming paglalayag, inabot ng pagkabagabag. Nawa'y mabanaagan ka, hinirang na tala ng umaga. [Verse 2] Kahit alon man ng pangamba, Di alintana sapagkat naro'n ka, ni unos ng pighati at kadiliman ng gabi. [Chorus] Maria, sa puso ninuman, Ika'y tala ng kalangitan. Ningning mo ay walang pagmamaliw, Inang sinta, Inang ginigiliw. [Verse 3] Tanglawan kami, aming Ina, sa kalangitan naming pita, Nawa'y maging hantungan pinakamimithing kaharian. [Chorus] [Repeat Chorus] Amen!