Salmo 27 (Psalm 27) ======== m: Fr. Rey Magnaye w: Psalm 27 Filipino responsorial Psalm [Chorus] Ang Panginoon ang aking tanglaw, sa panganib ako'y iingatan. Kanino ako masisindak, matatakot kung ako'y laging nasa piling N'ya. [Verse 1] O Diyos, pakinggan Mo ang aking tawag, at sa aki'y maawa't mahabag. Buhay ko ma'y pagtangkaan, buhay ko ma'y pagbantaan. Sa 'Yo pa rin magtiti wala kailanman. [Chorus] [Verse 2] O Diyos, sana'y pahintulutan, mamalagi sa banal Mong harapan. Ang tinig Mo'y mapakinggan, pag-ibig Mo'y maramdaman, kadakilaan Mo't ganda'y masaksihan. [Chorus] [Coda] Kanino ako masisindak, matatakot kung ako'y laging nasa piling N'ya.