Maria, Huwaran ng Pag-Asa ========================= w: Fr. Warlito Namo m: Fr. Carlo Magno S. Marcelo Inst. arr: Bob Sorem [Verse 1] Sa araw-araw, ik'ay kapisan. Gabay ka sa tinatahak na daan. O, Mariang, huwaran kang wagas. Dilag ka ng Pagliligtas. [Verse 2] Sa araw at gabi, kami'y lumuluhog, ipag-adya kami sa madilim na unos. O, Maria, tunay kang alagad ni Hesus. Ina ka ng aming Manunubos. [Chorus] Mariang, Huwaran ng pag-asa, ipanalangin mo kami, at isukob sa kapangyarihan ng 'yong anak. Upang kami'y iadya sa pagkapahamak. Makamtan S'yang buhay at liwanag, katotohanan, at ganap na pagliligtas. [Verse 3] Saaming dusa at pagtitiis, ginhawa ka at tanging pag-ibig. O, Maria, ikaw ay aming sangigan. Liwanag ka nitong sambayanan. [Verse 4] Sa bawat landasing mayroong pagsubok. Tatahakin namin itong walang takot, sapagka't nar'yan ka at nagpapala, Maria, Ina ng Iglesya. [Chorus] [Chorus - key change] [Coda] Makamtan S'yang buhay at liwanag, katotohanan, at ganap na pagliligtas.